prehistoriko: ang pamumuhay ng mga unang tao
Ang prehistoriko ay ang unang klase ng pamumuhay ng mga tao. Ito ay may tatlong yugto. Ang panahon ng lumang bato, panahon ng bagong bato at ang panahon ng metal. Dahil sa prehistoriko era noon, natutunan ko kung paano nag ebolusyon ang mga tao.Noong panahon ng bagong bato, natutunan ko kung paano sila namuhay araw araw ng may bagong natutuklasan para sa kanilang pang araw araw na buhay. Nalinang nila ang mga teknolohiya at kumalat ang kasangkapang batong pinakinis at mga hinasa. Nagsimula silang matuto sa buhay ng pakikipagkalakalan. Nakagawa din sila ng mga palayok mula sa luwad. Noong panahon ng metal, natuto naman dito ang mga tao may kinalaman sa mga alahas. Ginawa nilang alahas ang tanso at itinuring noon na ang tanso sa isang malambot na metal at bagat na sagrado at inisip pa nga nila itong nakakagamot. Ayon sa mga ebidensiyang pang- agham , ang mga anatomikal na modernong tao ay nagebolb sa Silangang Aprika noong mga 200,000 taong nakakalipas mula sa Homo heidelbergensi