prehistoriko: ang pamumuhay ng mga unang tao

Ang prehistoriko ay ang unang klase ng pamumuhay ng mga tao. Ito ay may tatlong yugto. Ang panahon ng lumang bato, panahon ng bagong bato at ang panahon ng metal.  

Dahil sa prehistoriko era noon, natutunan ko kung paano nag ebolusyon ang mga tao.Noong panahon ng bagong bato, natutunan ko kung paano sila namuhay araw araw ng may bagong natutuklasan para sa kanilang pang araw araw na buhay. Nalinang nila ang mga teknolohiya at kumalat ang kasangkapang batong pinakinis at mga hinasa. Nagsimula silang matuto sa buhay ng pakikipagkalakalan. Nakagawa din sila ng mga palayok mula sa luwad.

Noong panahon ng metal, natuto naman dito ang mga tao may kinalaman sa mga alahas. Ginawa nilang alahas ang tanso at itinuring noon na ang tanso sa isang malambot na metal at bagat na sagrado at inisip pa nga nila itong nakakagamot. 

Ayon sa mga ebidensiyang pang-agham, ang mga anatomikal na modernong tao ay nagebolb sa Silangang Aprika noong mga 200,000 taong nakakalipas mula sa Homo heidelbergensis bago kumalat sa iba't ibang panig ng mundo. Ang pinakamatandang nahukay na fossil ng mga anatomikal na modernong tao ang mga labing Omo sa Ethiopia na may edad na 195,000 (±5,000) taong gulang.[1][2]

Ayon sa mga mitolohiya ng mga iba't ibang mga relihiyon, ang unang lalaki at/o unang babae ang unang (mga) tao na nilikha ng kanilang (mga) diyos na naging ninuno ng kasalukuyang sangkatauhan. 

Ang katagang bago ang kasaysayan o prehistorya ay ang kasaysayan o historya ng sangkatauhan bago natutong makapagsulat ang mga tao ng kasaysayan. Nilalarawan ng parirala o pamagat na ito ang kapanahunan bago ang nakatalang kasaysayan. Natutuklasan lamang ito sa pamamagitan ng larangan ng arkeolohiya. Orihinal na nilikha ni Paul Tournal ang katagang Pranses na pré-historique upang ilarawan ang mga natagpuan niya sa loob ng mga kuweba ng katimugang Pransya. Naging gamitin ito sa Pransya noong dekada ng 1830 upang ilarawan ang panahon bago ang pagsusulat, at ang salitang prehistoric o prehistoriko ay ipinakilala ni Daniel Wilson sa Ingles noong 1851.

Maaaring gamitin ang katawagang “prehistorya” o “bago ang kasaysayan” upang tukuyin ang lahat ng mga panahon magmula ang simula ng sanlibutan, bagaman mas madalas itong ginagamit para tukuyin ang saklaw ng panahon magmula noong lumitaw ang mga nilalang na wangis-tao. Sa paghahati ng prehistoryang pangtao, karaniwang ginagamit ng mga prehistoryano (mga arkeologo) ang sistema ng tatlong kapanahunan, habang ginagamit naman ng mga dalubhasa ng mga kapanahunan bago magkaroon ng mga tao ang talagang matukoy o tunay na malarawang (kronostratigrapiya) tala ng bato at ang pandaigdigang nailarawang kalipunan ng istratum na nasa loob ng heolohikong sukatan ng panahon o era. Ang sistema ng tatlong panahon ay ang peryodisasyon o pagpapanahon-panahon ng prehistorya ng tao sa tatlong magkakasunod na mga saklaw ng panahon, na pinangalanan para sa kani-kanilang nangingibabaw na mga teknolohiya sa paggawa ng mga kagamitan o mga kasangkapan: ang Panahon ng Bato, ang Panahon ng Tanso (Panahon ng Tansong Kobre at Panahon ng Bronse), at ang Panahon ng Bakal.

Ang pagkakaroon ng nasusulat na mga materyal (na simula ng katutubong “mga panahong pangkasaysayan” o “mga panahong historiko”) ay pangkalahatang nagkakaiba-iba sa mga kalinangang ikinakategorya sa loob ng maaaring hulihan ng Panahon ng Tanso o sa loob ng Panahon ng Bakal. Lumalalong hindi nililimita ng mga manunulat ng kasaysayan o mga historyano ang kanilang mga sarili sa mga katibayang mula sa mga nasusulat na mga tala at nagsisimulang sumandig sa mga ebidensiyang buhat sa likas at panlipunang mga aghan, kaya’t lumalabo ang pagkakaiba sa pagitan ng mga salitang “kasaysayan” (hitorya) at “bago ang kasaysayan” (prehistorya). Ang ganitong pananaw ay ipinahayag na mga tagapagtangkilik ng malalim na kasaysayan.

1 Paglalarawan

2 Guhit ng panahon ng Daigdig

3 Guhit ng panahon ng mga tao

4 Tingnan din

5 Mga sanggunian

 

Panahong paleolitiko

Ang Panahong Paleolitiko (500,000-10,500 BK) ay ang panahon kung saan karamihan sa kasangkapan ng mga tao ay gawa sa kahoy at madaling masira. Ito ang panahon kung saan ginagamit ang bato bilang kasangkapan ng mga australopithecine. dito ay laganap ang pangangaso at pangongolekta ng mga halaman sa gubat.

Ang Panahon ng Bato o Stone Age] ay isang malawak na kapanahunang prehestoriko (bago sumapit ang nasusulat na kasaysayan) kung kailan at saan gumagamit ang mga tao ng mga bato para sa paggawa ng mga kagamitan o kasangkapan. Karamihan sa mga dalubhasa sa paksang ito ang naghahati sa Panahon ng Bato sa tatlong peryodo: Matandang Panahong Bato (Paleolitiko), Panggitna o Gitnang Panahon ng Bato (Mesolitiko), at Bagong Panahon ng Bato (Neolitiko). Nagmula ang lithic o litiko mula sa salitang Griyego na nangangahulugang “ng bato” at tumutukoy sa mga materyales na ginagamit sa paggawa ng mga kasangkapan at pagbubuo ng mga sandata. Kahit magpahanggang-ngayon mayroon pa ring mga mamamayang namumuhay sa loob ng kanilang kultura na may antas masasabing pagkakaroon pa rin ng “panahon ng bato”. Ilan sa mga halimbawa ang mga aborihines (aborigene) ng Australya at ang mga Taong-Palumpong (Bushmen, mga “tao ng palumpong”) ng Timog Aprika

Paleolitiko. Nanggaling ang mga pangalang ito sa Paleos (matanda), at Lithos (bato). Samakatuwid, ang Paleolitiko ay ang Lumang Bato (Old Stoneage). Ang Paleolitiko ay ang panahon kung saan ang pagbabagong-anyo ng tao ay nakita. Isa sa mga pinakamahalagang pangyayari dito ay ang pagdiskubre ng apoy. Ang mga tao sa Paleolitiko ay mga nomadiko, o walang permanenteng tirahan. Hinahati ang panahong Paleolitiko sa tatlong bahagi: Lower, Middle at Upper. Ang Lower Paleolithic Period ay sinasabing period ng pagbabago ng anyo ng tao. Dito nakita ang isa sa mga pinakamahalagang stage ng tao na tawag ay Australopithecine. Sinasabi ang nahukay na si Lucy ay isang Australopithecine. Ang Middle Paleolithic Period ay sinasabing period ng pagkontrol ng mga Hominid sa kanilang kapaligiran. Sa panahon ring ito nagsimula mag-express ang mga tao ng artistikong mga abilidad. Gumuguhit sila sa mga bato at pinipinta nila ang kanilang mga katawan. Ang Upper Paleolithic Period ay sinasabing period ng pagbuo ng kultura ng mga tao. Sa panahon ring ito umusbong ang mga Cro-Magnon. Sa panahong ito nagbago ang mga gawi, asal at pamumuhay ng mga tao